pa’no mo ilalarawan ang salitang kagwapuhan? 1) estudyante ng upd. 2) magaling kumanta at nagbe-bass. at higit sa lahat, 3) kulot. in short, si kuya janji.
sya at ang band nyang AIZO ang naging pinaka-feature ng UP fair ngayong taon para sa ‘ken. angtagal-tagal ko nang hinintay ang pagkakataon na mapanood sila nang live, isang buong taon din, at sobrang natuwa ako dahil nakita ko nang mata sa mata kung pa’no yanigin ni janji naling ang buong UP sunken garden.
8pm daw ang set ng aizo sabi ng text ni kuya janji. 9:30 na ‘ko nakarating sa sunken garden, biyernes ng gabi. mahaba yung pila ng ticket at nung entrance, kaya madaling-madali ako kahit wala pa yung mga kasama ko. nung nasa harap na ‘ko ng pila ng ticket booth, parang me narinig akong "tsaka salamat nga pala kay daphne." tinanong ko yung kuyang nag-aabot ng ticket kung anung band na yung tumutugtog, kaso, hindi nya raw alam. hindi ko rin sigurado kung boses ni kuya janji yun kaya hindi rin ako masyadong nag-assume. pag dating namin sa me bandang harap, SAKTO!, nagsasalita na si janji naling sa stage at ini-introduce na nya ang first song nila. kinilabutan ako. ambait talaga ni Lord.
kaso, sabi nung kebigan naming si ‘cess na 7 pa lang e andun na, hindi nya raw narinig na binanggit ang pangalan ko. it’s either hindi nya lang talaga narinig, o nananaginip lang ako nang gising.
astig yung set ng aizo. ibang klase. ganun pala mag-perform si kuya janji, at ganun pala sya makitungo sa crowd. tulala akong nakatingin at nakikinig. sayang, walang camera. pagkatapos nung set, akala ko makakalapit ako sa kanila, pero naisip ko ring baka nakaalis na rin sila.
umakyat sa stage yung band na la passionaria, at nagulat ako, si kuya janji ay magaling din palang mag-growl. ang layo nung genre ng AIZO sa la passionaria, kaya mas lalo akong bumilib ke kuya janji. as in sobrang astig. putangina.
wow, daphne, nakaka-inlab naman si janji. sabi ng isa, si che.
ng mga bandang 3AM, umalis kami ni ‘cess sa crowd para mag-CR. paglingon ko, pucha! si janji naglalakad, kasama yung gelpren nya, si ms. joanne. hindi ako nakalapit dahil bukod sa nahihiya ako, kelangan ko na talagang mag-CR. pagbalik namin kung san namin sila nakita, ayun, kahit anino, wala na.
astig yung buong gabi ng fair, kahit hindi ko naabutan yung updharma down at maryzark, ayus lang dahil andami namang malulupit na bands na naka-lineup. hindi kami nagkamali ng night na pinili. 3-4 songs pa yung sets ng artists. kaso, mukhang mas maraming bands ang nag-perform last year.
pagkatapos ng set ng aizo, typecast na (ata) yung sumunod. mga 10pm pa lang nun.ang pinaka-nakakakilabot na set e yung sa parokya ni kazee, as the name implies. mga 45 minutes siguro silang nasa stage, at sobrang nakakaaliw as usual. para lang silang mga batang naglalaro sa isang malaking playground. tambling dito, talon dun. sayaw, kanta, tas sigaw. me orchestra pa sa tabi nila,kaso hindi rin naging fulfilling yung orchestra. nabadtrip pa nga yung mga tao dahil ang tagal ng set-up ng orchestra. hindi rin bagay ke jay, ke jomal at ke lolo bords yung mga bigote nila. nasira pa ata yung plano ni jomal dahil maka-ilang ulit syang nasiraan ng gitara. ayun. tambling-tambling tsaka kanta na lang.
andun yung mayonnaise, na sobrang astig din mag-perform. andun yung mojofly, queso, valley of chrome, chicosci, kiko machine, soapdish, slapshock, rocksteddy, itchyworms, at shempre, silent sanctuary.
sobrang natuwa ako nung silent sanctuary na. ang ganda ng boses nung vocalist, at ang galing nung me hawak ng violin at cello. rebound at ingat ka yung tinugtog nila. natuwa ako dahil konti pa lang ang nakakakilala sa kanila, at medyo nag-diffuse yung tao nung sila na, kaya maluwang-luwang na yung crowd.
hindi ko naman na-enjoy yung set ng chicosci dahil me nakasagutan akong lalaking nanunulak. grabeng kitid ng utak, kami raw ang tumutulak sa kanya kaya naiipit yung gelpren nya. para namang kaya naming gawin yun e puro kami babae. sarap ihagis sa ere. kung hindi lang talaga dahil kay mong at sa bago nyang gupit, nasira na talaga ang araw ko. buti na lang.
may imago sa ticket, pero wala sila sa fair. akala ko makikita ko na ulit si ate aia, at lalong-lalo na si idol maps.
sabado na. 5:30AM natapos yung friday edition ng fair. at hindi ko na ulit nakita si janji.
ala-una ng parehong araw, may exam ako sa subject na tagilid na naman ang standing ko at hindi pa ‘ko nakakapag-aral nang matino. natapos yung klase. pasado ang exam ko.
——–
kinagabihan, kahit almost more than 2 hours yung tulog ko, tumuloy ulit ako sa fair para sa closing. mga kaklase ko naman nung hayskul ang kasama ko. akala ko marami kami, at matagal na kaming hindi nagkikita kaya sumama ‘ko. nag kinalabasan, apat silang lalaki, at ako lang ang babae. at hindi kami pumasok sa loob.
kinailangan kong bumili ng ticket dahil kelangan kong mag-CR. pagkatapos ng pila sa ticket, isang napakahabang pila sa entrance, at isang mahaba na namang pila sa CR, lumabas ulit ako para balikan ang mga kasama ko. mangiyak-ngiyak na ‘ko pagbalik ko, wala na yung mga kasama ko. hindi ko sila makontak dahil iniwan ko sa kanila yung gamit ko. buti na lang me tira pa ‘kong pamasahe sa bulsa.
inikot ko yung buong sunken garden nang apat na beses, at wala pa rin sila. tutal me ticket naman ako, pumasok na lang ako sa loob at nanood. nakita ko pa ang giniling fest, the wudz, paramita, at silent sanctuary ulet, at narinig ko rin ang stonefree, brownman revival, itchyworms, at alay sining, isang up-based band.
pagkatapos ng the wuds, nagbabalak na ‘ko umuwi mag-isa. kahit takot. paglabas ko, lumingon ulit ako sa pwesto namin at yun, nakita ko na ulit sila. lumipat lang pala sila sa malapit. apat na oras pala silang naghintay sa ‘ken. nakatulog na nga yung dalawa sa kahihintay e.
hindi masyadong masaya, hindi masyadong satisfying yung sabadong fair, pero ayus na rin. okey na.
at nakakalungkot lang talaga dahil nung pangalawang gabi, walang aizo.
hindi ako nakabili ng shirt o ng kahit ano dahil 1) kulang ang pera ko, at 2) wala akong makitang maganda.
hanggang sa susunod na taon ulet.
kung papayagan pa rin ako.